Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na nakaalerto ang mga embahada ng Pilipinas sa Middle East para siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipinong tripulante mula sa mga barkong inatake ng mga militanteng Houthi sa Red Sea nitong nakaraang linggo.
Samantala, nilinaw rin ng ahensya na wala pang kumpirmasyon ang ulat tungkol sa mga napaulat na 3 Pilipinong marino na nasawi umano sa nangyaring pag-atake.