Hinamon ni Davao City 1st District Rep. Paolo Pulong Duterte si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na bumisita sa Davao at personal na tingnan ang flood control projects sa lungsod.
Ito ay matapos ang alegasyon ng kapwa kongresista na 80 flood control projects sa Davao City ang kwestiyonable umano dahil sa posibilidad ng pagiging ghost projects, doble ang ginawang pagpopondo, pagbabago sa lokasyon ng proyekto, overpricing, at walang malinaw na specifications sa mga ini-award na kontrata.






















