Ipatatawag sa Senado ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways maging ang ilang mga taga-Commission on Audit na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
Ito ang tiniyak ni Senate President pro tempore Jinggoy Estrada sa gitna ng imbestigasyon na isinagawa ng Senado sa naturang isyu.