Magpapatupad ng mid-school year wellness break ang Department of Education o DepEd simula sa October 27 hanggang October 30, 2025.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, layunin ng desisyong ito na bigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makabawi mula sa mga nagdaang kalamidad at sa pagtaas ng mga kaso ng trangkaso.

























