Muling nagdeklara ng Ebola outbreak ang Democratic Republic of Congo matapos makapagtala ng 28 suspected cases at masawi ang 15 na tao sa Kasai province.
Kinumpirma ng Health Ministry na natukoy ang Zaire Strain ng virus matapos maospital ang isang 34-anyos na buntis noong August 20 dahil sa lagnat at pagsusuka.