Pinabulaanan ng Philippine National Police na tumataas ang krimen sa bansa kasunod ng babala ng Chinese Embassy sa kanilang mga mamamayan na nais magtungo sa Pilipinas na mag-ingat dahil sa mataas na krimen sa bansa.
Ayon kay Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, base sa datos, bumaba ang crime volume sa bansa ng 16.40% mula Enero 1 hanggang Agosto 28, 2024 na nasa 27,090, kumpara sa Enero 1 hanggang Agosto 28, 2025 na nasa 22,646 lamang.