Iniutos na ng pamunuan ng National Bureau of Investigation ang agarang imbestigasyon sa konstruksyon ng NBI Building sa Maynila. Ito ay matapos matuklasan na kumpanya ng mga Discaya ang naging contractor nito.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, hindi sa sinasabi niyang may anomalya dito, kundi nais lang nilang masiguro na maayos ang naging proseso.