Simula na ngayong araw ang 10-day voter registration o pagpaparehistro ng mga botante sa buong bansa, bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Kaugnay nito ay pinangunahan ng COMELEC main office ang pagpaparehistro sa isang Indigenous People o IP community sa Mabalacat, Pampanga.