Inirerekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na gawin sa mas malapit ang relocation site para sa mga nakatira sa gilid ng estero o daluyan ng tubig sa Metro Manila.
Ito ay para matiyak na hindi maaapektuhan ang kabuhayan at nasa maayos na silang kalagayan bago ang mga gagawing dredging activity sa daluyan ng tubig.






















