Sinimulan na ngayong umaga ang pilot testing ng cashless payment system sa mga istasyon ng MRT Line 3, kung saan pwede nang magbayad ang mga pasahero gamit ang debit card, credit card, o e-wallet.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasalukuyan na rin nilang inaayos ang paglalagay ng kaparehong sistema sa lahat ng istasyon ng LRT Line 1 at 2 upang gawing mas mabilis at maginhawa ang pagbabayad.
Samantala, inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaari nang magamit ng publiko ang libreng Wi-Fi sa lahat ng istasyon ng MRT-3.