Sinimulan na ng Philippine National Police–Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang case build-up kaugnay ng mga rebelasyong isiniwalat ni alyas Totoy tungkol sa pagkawala ng ilang sabungero.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, hinihintay pa nila ang pormal na affidavit nito upang matukoy ang mga pulis na sangkot at maituloy ang kaso.