Maluwag ang sitwasyon ngayon sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City.
Pero kahit kakaunti ang mga pasahero, naghanda pa rin ng karagdagang mga unit ang bus company doon, lalo't hindi na bago para sa kanila ang dagsa ng mga pasahero kapag ganitong mga panahon na may long holiday.

























