Tiniyak ng Department of Transportation na hindi maaapektuhan ang biyahe ng mga bus sa EDSA busway, partikular na sa EDSA Kamuning Station.
Ito'y sa kabila ng pag-uumpisa ng rehabilitasyon sa naturang istasyon kasabay ng itatayong bagong overpass bilang kapalit ng tinaguriang Mt. Kamuning footbridge.