Nagsampa ng patong-patong na kaso ng tax evasion ang Bureau of Internal Revenue laban sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya at sa treasurer ng St. Gerrard Construction.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., higit ₱7.1 bilyon ang kabuuang tax liabilities ng mga ito para sa taong 2018 hanggang 2021, kabilang ang hindi binayarang income, excise, at documentary stamp taxes.