Hihilingin ng Department of Public Works and Highways sa Anti-Money Laundering Council o AMLC ang pag-freeze sa mga nadiskubreng bilyong pisong halaga ng air assets na iniuugnay kay Ako-Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Bukod dito, ire-request din ng DPWH sa na i-freeze ang nasa P500 milyong halaga ng mga luxury vehicle na pagmamay ari ng ilang DPWH officials at private contractors.