Magde-deploy ng karagdagang tauhan ang Bureau of Immigration o BI sa lahat ng international airports sa bansa ngayong Undas, dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero ngayong long weekend.Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, fully manned ang lahat ng immigration counters upang mapabilis ang pagproseso ng mga pasahero at maiwasan ang aberya.






















