Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dedikasyon ng Philippine Air Force, hindi lamang sa pagbabantay at pagtatanggol ng teritoryo ng bansa kundi pati sa mabilis nilang pagresponde sa mga kalamidad. Naniniwala rin ang Pangulo na makatutulong ang Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) para sa mas matatag na seguridad sa pananalapi ng mga Pilipino.