Positibong indikasyon umano ng katotohanan sa mga isiniwalat ni alyas Totoy ang bagong narekober na mga buto ng Philippine Coast Guard divers sa Taal Lake.
Ayon sa Department of Justice, natagpuan ang mga ito sa eksaktong lugar na itinuro ng mga informant.