Nakumpleto na ng Land Transportation Office (LTO) ang produksyon ng lahat ng mga backlog sa plaka noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Ayon sa LTO, kailangan na lang nilang mai-distribute ang nasa 7.5 million na mga plaka upang maabot ang target na dapat sa October 31 ang lahat ng mga sasakyan at motorsiklo sa bansa ay may plaka na.