Comatose ang isang 18-anyos na babae matapos mahulog mula sa ferris wheel sa Cagayan noong gabi ng August 3.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na dumungaw ang biktima mula sa kinauupuang gondola habang pansamantalang nakahinto ang ride, pero nahilo at nahulog ito mula sa taas na 10 talampakan.