Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na sapat pa rin ang mga family food packs na maaari nilang maipamahagi sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Tino.
Ayon kay DSWD Asec. Irene Dumlao, may maipapamamahagi pa rin silang ayuda sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino na nabigyan na rin ng ayuda noong naranasan ang malakas na lindol.






















