Bukod sa paghahain ng diplomatic protest, nais din ng Pilipinas na hikayatin ang mga myembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na suportahan ang bansa sa pagtutol nito sa plano ng China na ideklarang national nature reserve ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.