Apat pang indibidwal na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga kawad ng kuryente sa gitna ng sunog noong Miyerkules sa Tondo, Maynila ang inimbitahan ng pulisya.
Ayon sa Philippine National Police, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng barangay at magulang ng mga suspek upang pagpaliwanagin ang mga ito sa insidente.