Naka-alerto ngayon ang ilang local disaster risk reduction and management office sa Albay dahil sa banta ng posibleng pag-agos ng lahar mula sa Bulkang Mayon.
Ayon sa inilabas na advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), maaaring maitulak pababa ang lahar na nakaipon sa dalisdis ng bulkan dahil sa malalakas na pag-ulan sa Bicol.