Hinihikayat ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang bagong Ombudsman na gawing accessible agad sa publiko ang SALN ng mga opisyal ng pamahalaan.
Dapat rin aniyang umpisahan na ang proseso ng paghahain ng criminal cases laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.