Ipinanawagan ng Makabayan bloc ang agarang imbestigasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang miyembro ng gabinete na isinasangkot sa umano’y kickback scheme sa government infrastructure projects.
Kinondena rin ng grupo ang anila’y mabilisang pag-abswelto sa pangulo sa gitna ng kontrobersya.






















