Itinanggi ni AGAP Party-list Representative Nicanor Briones na siya ay sangkot sa online sabong matapos makuhanan ng video at litrato habang nanonood ng sabong sa gitna ng sesyon sa Kamara.
Ayon kay Briones, ipinadala lamang sa kanya ang video link ng sabong upang kunin siyang sponsor sa isang derby. Aniya, binuksan niya ito noong Lunes, Hulyo 28, habang nagpapatuloy ang sesyon.
Humingi rin ng paumanhin ang kongresista sa naidulot na abala ng insidente sa Kamara.