Kinontra ng Armed Forces of the Philippines ang mga pahayag ng isang retiradong heneral na umano’y ginagamit lamang ang Pilipinas sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Nilinaw ng AFP na hindi ito tumatayong tagapagsalita ng Estados Unidos at hindi kailanman magpapagamit sa sinumang dayuhang makapangyarihan.