Iimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang idinaos na rally ng United People's Initiative o UPI sa People Power Monument na posible umanong pinondohan, lalo’t kapansin-pansin ang laki at organisadong preparasyon ng aktibidad.
Maging ang pagkain na inihain sa mga dumalo ay nagbigay ng indikasyon ng posibleng may malaking financier sa likod ng aktibidad.






















