Anim na bata at isang school staff ang sugatan matapos bumangga ang isang SUV sa lobby ng Manila Central University sa Caloocan City kahapon, August 14.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang 70-year-old na driver ng sasakyan, dahilan para magdire-diretso ito sa loob ng gusali at masagasaan ang mga bata.