Nakumpiska ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang 7 luxury car sa North Luzon Expressway nitong Martes matapos makatanggap ng tip tungkol sa kumpulan ng mamahaling sasakyan sa isang gasolinahan.
Ayon kay HPG spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, agad silang nagsagawa ng operasyon at nadiskubreng expired ang rehistro ng mga sasakyan at gumagamit pa ng improvised plates.






















