May panghihinayang ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 60-day import ban sa bigas.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, bukod sa katotohanang bahang-baha na ang imported na bigas sa bansa, wala ring kasiguraduhan na talagang masusunod ang suspensyon sa pag-aangkat.