Maghihintay pa ng isang linggo matapos ang pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress sa July 29 bago muling magtipon ang impeachment court.
Ito ang inihayag ni Senador Joel Villanueva na nagsabing may ilang senador na rin ang pumapayag sa August 4 na schedule.
Samantala, inamin din ng mambabatas na major concern para sa impeachment court ang hurisdiksyon sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte.