Inilagay na ng Bureau of Immigration sa kanilang Immigration Lookout Bulletin Order ang 35 indibidwal na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, hapon ng Setyembre 3 nang matanggap nila ang kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order.