Inaasahang makukumpleto sa susunod na linggo ang nasa 300,000 na kakulangan ng beep cards na ginagamit sa mga istasyon ng tren upang mapabilis ang pila sa mga train station.
Kahapon ay sinimulan nang i-deliver ang mga beep card sa mga vending machine na nakalagay sa mga istasyon ng tren.
Sa susunod na buwan ay ilulunsad na ng Department of Transportation ang beep card na awtomatikong may 50% discount para sa mga estudyante, senior citizen at person with disability.