Tuloy ang nationwide transport strike ng grupong Manibela simula bukas.
Igigiit ng grupo ang kanilang matagal nang hinaing laban sa ilang ahensyang may kinalaman sa transportasyon, na anila’y bigong tugunan ang mga isyung matagal na nilang isinusulong.






















