Posibleng maging patibong ang ikalawang impeachment order ng Senate Impeachment Court para sa House of Representatives ng 20th Congress.
Ayon kay Akbayan Party-list Representative Chel Diokno, isa sa mga itatalagang House prosecutor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dapat pag-aralan nang mabuti ang magiging hakbang ng Kamara.