Nagbabala ang FDA ng Thailand laban sa Hong Thai Herbal Mixed Balm Formula 2 matapos matuklasang kontaminado ito ng mikrobyo sa isinagawang pagsusuri.
Ayon sa ahensya, lumagpas sa pamantayan ang produkto sa microbial at mold count, kaya’t idineklarang substandard sa ilalim ng Herbal Product Act of 2019.






















