Magbibigay ng nasa $1-M ang Estados Unidos bilang suporta sa disaster relief operations sa mga naapektuhan ng bagyong tino.
Sa pahayag ng US, ang kanilang hakbang ay hindi lamang pagpapakita ng alyansa ng dalawang bansa kundi simbolo na rin ng malalim at matatag na pagkakaibigan lalo sa mga panahon ng pangangailangan.























