Tatlong araw pa lang mula nang ilunsad ang Sumbong sa Pangulo website ngunit nakatanggap na ito ng higit isang libong ulat kaugnay sa pagpapatupad ng mga flood control projects.
Samantala, isinantabi ng Malacañang ang panukala ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magtalaga ng lead investigator para sa imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa mga proyektong ito.