Isang productive at future-oriented cooperation ang inaasahan ng Pilipinas at ng China kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-50 taon ng diplomatic relations ngayong taon.
Ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, sa kabila ng isyu ng Pilipinas at China sa nakalipas na mga taon, maayos naman ang kaniyang pakikitungo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.