Idineklara ng Malacañang na half-day ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes, September 22.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 96, ang pasok sa government offices sa executive branch ay sususpindehin na ng 1:00pm, bilang bahagi ng selebrasyon ng family week at itinuturing na ‘Kainang Pamilya Mahalaga’ Day.