Mahigpit ngayong ipinagbabawal ng Philippine Coast Guard ang pangingisda sa paligid ng searching area kung saan sinasabing inihulog ang mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Samantala, muli namang binigyang-diin ng PCG na maingat nilang iniaahon ang mga nare-recover na sako mula sa lawa na naglalaman ng mga kahina-hinalang bagay.