Inaasahang matatapos ngayong araw ng mga technical diver ng Philippine Coast Guard ang pagsisid sa unang quadrant ng search area sa Taal Lake, kung saan pinaniniwalaang itinapon ang mga nawawalang sabungero.
Bahagi ito ng mas pinalawak na imbestigasyon na layong makakuha ng ebidensya sa kasong matagal nang hinahanapan ng hustisya.