Sa mahigit 300 na kongresista, 12 ang tumutol na ipasa ang House Bill Number 4058 o ang General Appropriations Bill for Fiscal Year 2026, ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 6.793 trillion pesos.
Ito, anila, ay dahil sa posible pa rin ang katiwalian sa pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng national budget.