Isiniwalat ni Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian na maraming overpriced na farm-to-market road projects sa ilalim ng Department of Agriculture, ngunit ang konstruksyon ay isinagawa ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Sen. Gatchalian, kapansin-pansin na pareho ang mga rehiyon at contractor na sangkot sa mga isyu ng flood control projects at sa mga FMR projects, kabilang na ang Region 5 at Tacloban-Leyte area.