Bukod sa Metro Manila, ilang lugar din sa Mindanao ang nagdeklara ng kanselasyon ng klase ngayong Lunes dahil sa patuloy na assessment at clearing operations kasunod ng mga malalakas na lindol nitong mga nakalipas na araw.
Walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Agusan del Sur, Davao Oriental, General Santos City, Laak, Mabini, at Monkayo sa Davao de Oro at Tandag City sa Surigao del Sur.