Nakatakda nang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kaugnay ng isyung nag-uugnay sa kanya sa malaking allocable funds ng Department of Public Works and Highways.
Kumpiyansa naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang sagutin ng kanyang anak ang mga alegasyon.
Ayon sa Malacañang, bukas ang First Family sa anumang uri ng lifestyle check sa gitna ng mga usapin sa pondo ng imprastraktura.






















