Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng National Police Commission si dating Criminal Investigation and Detection Group Director PBGen. Romeo Macapaz.
Ito’y matapos aprubahan ng NAPOLCOM ang hiling ni Elakim Patidongan, isa sa mga sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, na suspendihin ang opisyal upang hindi maka-impluwensya sa isinasagawa nilang imbestigasyon.