Inaasahang sasamahan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ng mga lider ng Europa sa Washington D.C. upang ipakita ang suporta sa Ukraine.
Kasabay nito, patuloy na isinusulong ni US President Donald Trump ang usapang pangkapayapaan na layong tapusin ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.